May 2015

Travel agency sa Facebook ang binook namin for our Calaguas trip. Worth P3,500 2D/1N package inclusive of Lunch-Dinner-Breakfast, transportation, tsaka tent tapos a night before ang alis from Makati. Toyota Hi-Ace van ang ginamit naming sasakyan going to Vinzons, Camarines Norte. Yung biyahe 11-13 hours depende kung gaano kabilis yung driver. Yung driver namin that time ayaw nauunahan, puro overtake kaya hirap kami matulog kasi nakakatakot. Kahit mabilis siya magdrive, 11 hours pa rin kami inabot. Ang hirap lang matulog at pumwesto kasi maliit yung leg room, gusto ko na ngang ipaputol yung legs ko para maging komportable. Pagdating namin ng Daet, kumain muna kami ng breakfast which is not included in the package kaya KKB.

WP_20150517_06_51_57_Pro

Pagdating ng Vinzons, kailangan isupot yung mga gamit para hindi mabasa kasi maliit lang yung bangka and it would take about 2 hours to reach the Mahabang Buhangin, Calaguas. The boat ride is included in the package. Feeling ko medyo mahal pa yung nakuha namin pero at least wala ka nang iisipin, hassle-free na travel.

WP_20150517_10_19_47_Pro

Pagdating namin ng Mahabang Buhangin sa Calaguas, it was just WOW! Fine white sand tapos first time ko pa sa white sand kaya iba sa feeling. Until now, Calaguas pa rin ang standard ko sa magandang white sand beach. Totoo din na turquoise clear water yung dagat dahil na rin sa puti yung buhangin. Pagdating, palit na agad ng damit tapos ligo na dahil kailangan sulitin yung 2 araw kahit pagod pa siya biyahe. Sa totoo lang sobrang nakakapagod yung 11 hours na land travel plus 2-hour boat ride, gusto mong matulog pero hindi pwede kasi sayang yung bayad at punta.

After magswim, we had our lunch boodle fight style then simula nang inuman. Bawal nga magpahinga kasi sayang ang oras.

WP_20150517_16_15_53_Pro

After ng isang bote ng Emperador Deluxe, umakyat kami sa bundok ng Calaguas para mag explore. Nakakaamaze din kasi kita mo sa tuktok ng bundok ang Pacific Ocean sa kabilang side pero mabato at malakas ang hampas ng mga alon na parang ang sarap puntahan pero at the same time parang nakakatakot. By the way may babayaran kang PhP20 each kapag aakyat ka. Sandali lang kami sa taas, nagpahinga lang sa mga hammock at bumaba na rin para abutan yung sunset. Magandang antayin ang sunrise sa tuktok ng bundok.

WP_20150517_18_06_38_Pro

I just love sunsets. It’s breathtaking, I just can’t explain.

11041709_10205385657794717_1499691566104196768_n

Tent lang talaga ang tulugan karamihan ng mga accomodation sa Calaguas. Meron din namang resort pero malayo at malamang na mas mapapamahal ka. Meron namang CR tsaka shower room na may sariling water supply. Wala nga lang kuryente most of the time kaya kailangan mo ng powerbank kapag pumunta doon. At dahil limited lang ang power source, masarap mag star-gazing sa gabi. Ang cellphone signal ay sa tuktok lang ng bundok (No data signal, so talk to each other.) Dahil sa pagod at nakainom na rin, hindi kami nagising ng maaga at hindi umabot sa sunrise.

WP_20150518_08_48_26_Pro

Pagkagising diretso swimming na ulit dahil kailangan umalis nang umaga para hindi maabutan ng low tide or else hindi na kami makakaalis. Bitin sa pakiramdam na wala pang pahinga, aalis na ulit. Parang hindi ko naenjoy kasi mapapagod ulit sa sobrang haba na biyahe. Nagkataon din na mas mahaba ang naging biyahe namin pauwi kaya sobrang nakakapagod. Yung pakiramdam na parang hindi naman ako nagbakasyon, pinagod ko lang sarili ko. Pero ang gandang paraiso ng Calaguas, gusto ko ulit bumalik pero gagawin ko nang 3-4 days at susubukan ko ang backpacking naman.

Kung plano niyong mag Calaguas make it at least 3 days dahil sobrang nakakapagod ang biyahe.

*Photos taken with Nokia Lumia 1020 and GoPro Hero 3+ Black Edition

Advertisements

5 thoughts on “Calaguas Island, Camarines Norte 2D1N Tour Package

  1. “Ang hirap lang matulog at pumwesto kasi maliit yung leg room, gusto ko na ngang ipaputol yung legs ko para maging komportable.”
    Best line ever. Loved the pics kaso parang napagod agad ako kinukwento mo palang yung byahe. °_°

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s